Dinig ko ang kalawang sa hinaing mo.
Ang daming galit kay Chief Justice ngayon, kung makapagreact akala mo may napatunayan na ang Prosecution team, akala mo lahat ng kutob at hinala nila tama, kaya sa mga kritiko at mainit ang ulo sa Chief Justice dyan, kumalma kayo, huwag muna kayong magpadala sa mga kabilaang panawagang magrally o Pipol pawerrrr para mapatalsik si CJ sa pwesto, baka umuso uli ang planking at sunugan ng placard at pigura sa mga lansangan nyan, tama na ha, nakakarindi, lalo na yung planking na yan, tandaan nyo, yung Pipol pawer na ring yan ang nagluklok kay Gloria sa pwesto, siyam na taong ngiting aso din yun noh! Ang dami nang araw lumipas, ang dami nang araw ang ginugol para sa Impeachment na yan. Pero teka, di naman ako one sided na tao e, doon sa mga nagsasabing kampi sila sa CJ, wala naman akong problema don, pero yung sabihin ng iba na huwag daw hayaang palitan si CJ nang napupusuang iluklok ni Pnoy sa pwesto dahil paniguradong magiging bias daw ito, kampi sa Pangulo, baka nakakalimot na kayo, si CJ Corona ay hindi inihalal, kundi inapoint ni Gloria Arroyo para maging CJ sa ilalim ng kanyang termino, ang Chief Jusctice ay syang dapat magsigurado na ang mga nanunungkulan sa bayan na ginagawa nila ng tama ang mga tungkulin nila, pero may napanood na ba kayong mismong si Chief Justice ang lumaglag kay Gloria sa mga kabalbalan nya noon(hwag mong sabihing ALEGASYON lang ang mga yun ah!)? Ang daming milagrong ginawa ni Gloria noon, pero saka nalang yun nangamoy, nang maisiwalat ng ibang opisyal ang mga yun, tulad ng Electoral Sabotage, ZTE scam, midnight appointment at kung anu-ano pa…. si Chief Justice ba ang gumawa ng garapalang pangbubuking na yun? at teka nga muna… kung ginagawa ni CJ noon ang trabaho nya nang may ningning sa kanyang mga mata, at taos sa puso, papanong di nya naamoy ang mga bagay na ‘to? O baka naman kailangan lang magbulag-bulagan noon ni CJ, dahil sa utang na loob sa dating Pangulo? Ang Pangulong pinagkakautangan nya ng napakalaking utang na loob, teka, sobra naman yatang sabihin kong utang na loob di ba? Papano kung deserving talaga sya? Wala ng utang utang doon. EWAN KO!!! Ilang araw pa ang dadaan bago may mapatunayan? Ilan pa? ilan? Ang galling kong magbilang, pero di ko talaga alam… buti pa siguro, magtanim ng ako kamote, kamoteng pamalit sa kanin kapag walang-wala, puedeng ibenta at gawing camoteque o camote delight, di gaya Impeachment Trial, gugugulan mo ng panahon, pag-iinitan lang naman pala ang ulo mo. Di mo makakain, at higit sa lahat walang paki dito ang babad sa pelikulang patok sa takilya dahil andon ang mga idol nila.