Pambihirang Impeachment Trial yan!
pambihira! oo! pambihira talaga, talaga ngang di lang dito sa Pilipinas nasasakdal ang may mga matataas na posisyon, sabihin na nating nangyari na rin sa ibang bansa ang mga paglilitis na ito, kagaya ng sa Amerika, kung saan may ilan nang mga Pangulo nila ang naImpeach, pero huwag na tayong lumayo, dito lang sa bansa ay may mga record nang ganyan, naalala nyo pa ba ang Impeachment trial kay Joseph Estrada? ako? LINTIK! tandang-tanda ko pa yun! dapat kasi anime ang pinalalabas non e, kaya lang mas prinaioritize ang Impeachment, buong gabi pagmumukha lang ni Erap ang nakikita ko sa TV, umaasang matapos na yung pagcover sa trial nang makapanood na ng paborito kong anime, haaaayyy, ang haba ng araw kung yung trial lang yung panonoorin mo, pero ang Impeachment Trial pala na yun yung umpisa ng mas nakakarinding pamamahala ng pandak na swapang sa ating bansa, kainitan noon ng Trial, nang magpresenta ang Prosecution team ng ebidensya laban kay Erap, ngunit ayaw itong tanggapin ng Senado bilang ebidensya, kaya ang nangyari… WALK-OUT ang drama ng prosecution team, doon nag umpisang mag-init ang ulo ng taong-bayan, dinala sa EDSA ang panawagang bumamba na sa pwesto si ERAP, PAMBIRANG SALAGUBANG! pangalan ni Gloria yung sinigaw ng mga tao, hanggang… alam nyo na ang sunod na nangyari di ba? isang salita lang yung nangyari non, BWISET! siyam na taong BWISET.
At ngayon, eto nanaman ang multo ng Impeachment trial, at mas nakakatawa pa sya ngayon, yung Prosecution team na dapat ay nagpapatunay na may kasalanan nga ang Chief Justice ay napapahiya pa ng LIVE, habang yung Defense team, pinagtatawanan ang kabilang panig, di maikakailang magaling ang mga abogado ni CJ Corona, lalo na si Cuevas, kahit uugod-ugod na ay magaling pa rin, dapat don, nakaupo nalang sa rocking chair, habang pinagmamano ang mga kaapuhan nya, ang daming nangyayaring sa Impechment trial ngayon, nandon pa nga na kailangan pang pagbotohan kung dapat bang idefy o galangin ang TRO para sa dollar accounts ni Corona, kaya lang, malas lang ng mga nagpuputok ang BUTSE kay Corona… 13-10 ang resulta, ibig-sabihin, nanaig yng mga senador na mas piniling igalang yung TRO sa dollar accounts ng Chief Justice.
Pero… ano ba ang epekto nito sa ordinaryong mamamayan, nabawasan ba ang nagugutom? nabigyan ba ng bahay ang mga walang masilungan? napag-aral ba nito yung nais makapag-aral? Kung totoong may kasalanan ang Chief Justice, mukang malabong manaig ang katarungan para sa mga mamamayan ni Juan, tatanga-tanga kasi ang Prosecution team e, at magpresenta ka ba naman ng pekeng kopya ng mga hinihinalang bank accounts ni Corona? tuloy pati si Sen. Miriam mukang hahighbloodin pa… HOY PROSECUTION team umayos naman kayo!… teka, teka, mukang dehado ang prosecution team ah, kahit na nga sa pagpresenta lang ng mga sinasabi nilang ebidensya, Pero, papano kung wala ngang kasalanan si CJ Corona? edi ang daming araw ang nasayang sa walang kwentang trial na yan! sino ba ang panalo sa trial na to? ang defense team ba? ang prosecution team? ang mga senator-judge? si CJ Corona?… ang taong-bayan? NAMAN!!! ingles yung pinagsusuka nilang mga salita, ang lalalim pa, buti sa mga nakakaintindi, papano naman yung hindi alam kung ano yung SUBPOENA? TRO? CITE IN COURT? o kung anu-ano pang nagpapadugo sa ilong ni JUAN? sino ba dapat ang may pakialam dito? di ba dapat sya tong dapat may nainintindihan sa mga nagaganap? ilan ba sa atin ang nakakaintindi ng terrrrrrminology ng mga abogado? haaaaayyyy, sa dami ng nangyayari sa IMPEACHMENT TRIAL ngayon, ilan don ang naiintindihan mo? kelan pa to matatapos? pag natapos to, may magbabago ba? titino ba ang nasa pamahalaan? makokonsensya ba ang mga magnanakaw? haaaayyyy, ika nga “WHAT HAPPENED TO OUR COUNTRY, GENERAL?”
next please…