
Hiraya Manawari, Hiraya Manawari
Mga pangarap natin ating abutin
Ang kapangyarihang nasa puso natin
Hiraya manawari ating abutin
Kaya kong pakawalan ang hiwaga sa aking puso
Kaya kong hawakan init ng aking pangarap
Kaya kong isabog liwanag na aking taglay
Liwanag na nagsisilbing tanglaw ko sa patutunguhan

Ikaw ang unang nagbuo ng bayang Pilipino
Ikaw ang unang lumaban sa pananakop ng dayuhan
Ikay ang nagsindi ng ilaw
Ikaw ang nagbigay ng liwanag sa kahulugan at katuwiran
sa halaga ng kalayaan
bayani, salamin ng aking panata, salamin ng aking panata
liwanag sa isipan, bayani, tanglaw sa ating daan
bayani…bayani…bayani…

Bawat bata may tanong
ba’t ganito? ba’t ganon?
hayaang buksan ang isipan
sa science o agham!
tayo na
sa sineskwela
tuklasin natin ang siyensya
buksan na ang pag-iisip
tayo’y likas na scientist

Halina’t sumama na kayo
Maglakbay mag-enjoy maglaro
Tuklasin ang Math sa buhay natin
Dali na’t mag-Math na tayo!
Mga number at mga sign
Ay di dapat katakutan
Ito ay mga simbolo
Na gusto nating sabihin at malaman
Kaya sila’y kaibiganin
at kayo’y magtataka
Mundo’y mas mauunawaan…

Let’s go boys and girls in this epol apple world, Apple!
Come learn English with me.
Read it. Speak it.
Write it. Sing it.
Come and be the one to reach across the world.