Freedom is GREAT, sitdown and enjoy the sunrays

a writer, student, a critic, no one knows me here actually.... ^_^

Tanghaling tapat

naaalala ko noon, pag ganitong tanghali, kung di ako tulog nasa labas ako, naglalaro ng patintero, habulan, o taguan, tumbang preso… o kaya chinese garter. ang saya non! bwiset nga lang pag may SUNFLOWER, yun yung tawag sa kasali sa laro nyo kaya lang di puedeng maging taya, magpapahabol lang pero di magiging taya, bakit? kasi sila yung mga mas nakakabatang kapatid ng kalaro mo, kailangang pasalihin kasi yung kalaro mo yung dapat magbanatay sa kanya, kaya di makakapaglaro si friend mo, so ang sulosyon, pasasalihin si friend pati rin yung kapatid nya, ang kinalabasan lahat kayo babay sitter na ng kapatid nya, yun ang SUNFLOWER.., hehe, yung pagkatapos maglaro, may sugat kana sa tuhod, kaya ngayon ay may peklat ka sa mga binti mo… laro at harutan hanggang hapon, tapos tatawagin ka na lang ng Nanay mo, habang ayaw mong magsumbong na may sugat ka kasi pagagalitan ka ng sukdulan at wagas… hayyy, ang sarap maging bata. ^_^

noon naman pag sa skul, padamihan ng goma, at yung butterfly clip na usong-uso sa mga girls, pinauso ni Jolina ^_^, yung notebook mong artista ang cover, di ka baduy pag ganon, sikat ka pa nga e! yung ice cramble na magmamarka sa uniform mo at higit sa lahat ang walang kamatayang pagpapaHANDS FORWARD sa inyo ng titser nyo bago pumasok sa klasroom,isama mo na rin yung magpupulot muna ng basura bago pumasok XD.