Stone to death? ayos lang kung makasalan ang pupukol ng bato sa isa pang makasalanan, kung ang pamilya ng 58 victims yung gagawa ^_^
dalawang taon na yung Maguindanao Massacre, alam kong napakasensitibo ng topic na ‘to… kaya lang nakakainip na masyado e, di man tayo kamag-anak ng mga nabiktima do’n, kung nanonood ka ng mga balita at kung may pakialam ka, MAIINIP at MAIINIP ka talaga. Umuulan non ng mga katibayan, mga witness, laban sa mga Ampatuan, lalo na sa Zaldy Andal Ampatuan (na nanguna raw sa pagpaplano ng krimen na yun), pero may napatunayan ba? may nakulong ba? yung kulong na hindi VIP? yung kulong na nakaposas? di ba, kung iisipin mo… nasayang yung mga ebidensyang yun? yung si witness na pinatay, TAKTE!!!! “Justice delayed is Justice denied“… one year ulit? two years? o baka naman wag na lang tayong maghintay… kasi baka walang dumating na katarungan, pero di ba nga? Pagka gusto mo ang isang bagay, dapat maniwala ka sa bagay na yon. Hintay ulit???? ayos lang., Justice system ng PILIPINAS ang pinag-uusapan dito, kaya KAILANGANG MAGHINTAY.